Kaibigan, nais ko sanang sagutin mo ang pinakamahalagang katanungan ng buhay:
“Kung ikaw ba ay mamatay, saan pupunta ang iyong kaluluwa?”Ano ang iyong kasagutan? Kung hindi mo alam at hindi ka sigurado sa iyong sagot, hinihiling na na pagtuunan mo ito ng pansin.Bakit? dahil ang kamatayan ay sigurado. Hindi man natin alam kung kailan, saan, o papaano tayo mamamatay, ito ay tiyak na darating sa atin. Kaya nga h-mahalagy pagkakatoon, dapat natin tiyakin ang kaligtasan ng ating kaluluwa.
MGA TANONG NA DAPAT SAGUTIN PARA SA KATIYAKAN
- Maituturing mo bang isa kang mabuting tao?
Maaari mong sabihin “Oo” ako ay isang mabuting tao dahil wala naman akong inagrabiyado, pinatay o sinaktan kahit sino man. Pero ganito ang ikalawang katanungan…
- Sa palagay mo, nasunod mo ba ang Sampung Utos ng Diyos?
Kung ang sagot mo ay “Oo” tingnan natin kung totoo ang iyong sinasabi.
- Sa buong buhay mo, minsan ba ay nakapagsinungaling ka? Kung ang sagot mo ay “Oo,” ano ang maitatawag sa iyo?
- Kung ako ay nagsinungaling sa iyo, ano ang itatawag mo sa akin? Di ba sinungaling!
- Ngayon, dahil nakapagsinungaling ka na ang tawag sa iyo ay….. Sinungaling din!
- Dahil nagawa mong magsinungaling, iyon ay pagsuway sa ikasiyam na utos na “Huwag kang magsinungaling.”
- Sa buong buhay mo, minsan ba ay nakakuha ka na ng isang bagay na hindi sa iyo (kahit maliit lang ito)?
- Ngayon dahil nagawa mo ito, anong maitatawag mo sa iyong sarili? Di ba magnanakaw!
- Dahil minsan ay nakapagkakaw ka, iyon ay pagsuway sa ikawalong utos na “Huwag kang magnakaw.”
- Sa buong buhay mo, lagi mo bang nasusunod ang iyong mga magulang o sila ay nasuway mo na?
- Ngayon kung sila ay sinuway mo na, iyon ay pagsuway sa ikalimang utos ng Diyos na "Igalang mo ang iyong mga magulang."
- Sang-ayon sa iyong mga sinabi, ikaw ay nakapagsinungaling, nakapagnakaw at sinuway na sa iyong mga magulang. Kung nuhusgahan ka ng Diyos ayon sa kanyang “Sampung Utos,” sa palagay mo, ikaw ba ay “GUILTY” o “INOSENTE?”
- Ngayon kung guilty ka, saan ka pupunta? Sa Langit o sa Impiyerno?
“Nguni’t sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdatagang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”
(Pahayag 21:8).- Ayon sa Biblia walang matuwid, kahit isa. Ang lahat ng tao ay nagkasala. At dahil sa ating kasalanang nagawa, tayo ay “guilty” sa harap ng Diyos.
(Roma 6:23)
- Dahil sa Kanyang pagmamahal sa atin, gumawa ng paraan ang Panginoon upang tayo’y mailgtas sa kapahamakang ito. Ibinigay Niya ang kanyang bugtong na anak, na si Hesus, upang akuin ang ating kasalanan at mamatay para sa atin. Kailangang ialay ni Hesus ang Kanyang dugo at mamatay. "… kung walang pag-aalay ng dugo ay walang kapatawaran ng mga kasalanan."
(Hebreo 9:22).
- Kaibigan, kung nais mong makamtan ang kaligtasang ibinibigay ni Kristo, maaari kang lumapit sa Kanya. Talikuran mo at pagsisihan ang iyong kasalanan at magtiwala ka sa ginawa ni Kristo upang ika’y maligtas. Ito ay isang desisyon na dapat mong ipaalam sa Diyos.
Maaari kang manalangin ng ganito:
Panginoong Hesus, inaamin ko po na ako’y isang makasalanan at dahil dito ay mapapahamak sa impiyerno. Pinagsisisihan at tinatalikuran ko po ang aking mga kasalanan. Humihingi po ako ng kapatawaran sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan. Nananampalataya po ako na Ikaw ay Anak ng Diyos na namatay po sa aking mga kasalanan at nabuhay na muli. Tinatanggap ko po kayo bilang personal na Panginoon at Tagapagligtas ng aking buhay.
Nagpapasalamat po ako sa Kaligtasang ipinagkaloob mo sa akin. Ito po ang aking panalangin sa Pangalan ni Hesus, Amen. (Juan 1:12)
Kung tinanggap mo si Kristo Hesus bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas pagkatapos mabasa itong Gospel tract, paki-click ang link, at ipaalam sa amin ang iyong desisyon sa aming FB page.
Link ng FB PageKung nais mong bisitahin ka namin sa iyong tahanan para masagot ang iyong mga katanungan tungkol sa Berean, paki click ang link at punan ang mga impormasyon. Ikaw ay aming bibisitahin ano mang oras na maluwag para sa iyo.
Link Para sa Mensahe